:: About me ::

:: Calendar ::

:: Contact ::

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:

:: Credits ::

BLOGDRIVE
TEMPLATES
MeredithGarcia - Free To Fly

:: Tagboard ::

   

:: Links ::

Google Modules

Sep 3, 2006

[
147,..., 150 =D
]


yahoo!! talagang tapos na ang 7th term sa aking pamamasukan sa unibersidad ng La Salle.. at ang resulta ng gabi-gabi kong pananalangin, pasado ako advaca!! yahoo!! eto ang eksena pagdating ko sa silid kung saan andun si Dr. Ruivivar:

me: pasado mam?
dr rui: yess..
me: ilan ako sa finals?? (parang may saysay pang tanungin, pasado na nga eh.. ohh well)
dr rui: 59
me: yess!! pasado!! (lumagpas pa ng tatlo sa kailangan kong score pumasa, buti nalang!! aba, late reaction!! hahahaha.... =P)

at hindi nauwi ang aking maikling bakasyon sa pagluluksa, yahoo!! wala pa rin akong bagsak.. haaay... buti pa ang iba dyan DL!!! haha.. (not pointing my finger to anyone.. hahaha) ako kaya kailan? next term? sana.. hahaha.. ok lng kahit hindi na, basta walang bagsak at gpa ko ay above 2 pa rin, ok na ako dun.. =D

yehey!! umuwi si papa ngaung weekend.. wow!! may pasalubong!! mapupuno na talaga ng pagkain ang bagong biling lalagyan ng pagkain ni mama.. syempre, ngaung weekend ay family bonding time, malling at BOWLING!! eto na ata ang pinakamemorable experience ko sa paglalaro ng bowling.. hahaha!! i averaged 147 points in my 3 games!! haha!! that's right!! sabihin na natin na alam ko na ang tamang pagtira sa bowling.. (haha.. yabang!! pang-pustahan na ba yan?? haha..) sayang nga at dapat above 150 ang aking average kaso napagod na ako nung pangatlong laro namin.. ung una kong 2 laro, ang iskor ko ay 156 at 157.. hahaha.. for the first in my career in bowling na magkasunod ang 150 points ko.. sayang lang ung pangatlo dahil pagod na rin ang kamay ko sa kakabato nung bola, 129 na lang tuloy iskor ko.. hehe.. (compute mo kung tama nga ung average ko!! hehehe =P) sana maulit pa ung mga iskor kong ganyan.. oi marco at jm!! kailan ba tayo magbobowling?? kala ko ba nung course card day?? (hehe.. kung natuloy rin naman un ehh, ndi rin ako makakalaro kasi ala akong pera) haaay... after magbowling, we had our dinner at super bowl gateway at uwian na!

kaninang umaga, nagsimba kami.. syempre, andun na naman si pinsang pauleen.. ang cute cute mo talaga pauleen!! haha.. ngaun ko lang nakita na nagpupu siya sa diaper, ang cute nung facial expression niya.. hehe.. sarap nang tanghalian namin, sa Max Blue Wave kami kumain.. grabe!! full tank!! hahaha... at nang nagkwentuhan na, napag-usapan na ang pagbili ng kotse.. haaay.. sa wakas!! magkakaroon na rin kami ng sasakyan.. cnung drayber?? ehh sino pa ba?? hahaha.... syempre ang inyong lingkod, MEEE!!!! hahaha.. kaso paso na ang aking lisensya.. tsk3 hussle na naman ito...

haaay.. inaantok na ko.. cge, guys.. enjoy the remaining days of our vacation..=D



Currently listening to: one and only
Poetry & Aeroplanes
By Teitur





jeremyone flew to freedom at 11:38 pm
Make a comment

Aug 27, 2006

[
set sail your mind..
]


yeah!! at last.. finally.. no more stress, no more hussle, no more "paghahapit", no more "pagpupuyat".. it's finally over!!.. that bad luck term.. tapos na!! super umulan ng bad luck nung last term lalung-lalo na sa advaca quizzes, haay... i hope nakuha ko ung 56 pts na kailangan ko para pumasa.. sayang, mas madali n ung test n yun and yet inulan pa ulit ako ng kamalasan.. hahahaa... sana naman all worth it  ung mga nirebyu ko at mga ginawa  kong paghihirap last term.. ayokong bumagsak!! sino ba naman ang gus2 non?? hehehe...

after the exam, we celebrated.. hahaha.. ung iba nagdota for 6 hours, iba naman sa bahay nagcelebrate.. ako kasama si miss jeje, nanood kami ng "My Super Ex-Girlfriend" wow!! i wanna try ung mga ginagawa nila.. hahaha... ang ganda niya.. ang cool ni G-Girl... (that's the name of the superhero) panoorin niyo kung gusto niyo=P



anung pinagkakaabalahan ko ngaun??? DOTA!!! sa umaga, sa tanghalian, sa madaling-araw!! daily dose of dota, 3 times a day... hahahaha.. i have a game for you at pagnakuha nio, pwde ko kayong ilibre ng 1 hour dota sa kahit saang compshop!! hahaha.. no joke ito!! dahil it's my first time to be a GODLIKE sa battlenet and i want to celebrate it with you!! hahahaha.. ganito lang kasimple ang mekaniks, hulaan nio lang kung sino ang ginamit kong hero na napa-godlike ko!! (hint: it is one of the heroes of the sentinnel) o ayan!! may 50% chance na kaung tatama..

dahil nabagot na ako sa kakalaro, i went to gateway mall yesterday.. grabe!! jampak ang gateway at andami kong nakitang mga old batchmates.. buti at may bumati pa sa kin.. dahil wala naman ibang magagawa sa gateway, nanood kami ng sine nina mom at sis.. sobrang pampaipit ng tiyan ung movie.. hehe.. pero there's a good moral on it.. here's the catch: "good guys need a break" the title of the movie is: CLICK!!



ang ganda nung movie, some didn't appreciate the last part of the movie.. eeehhhhhhh dun mo nga makikita ung moral nung movie ehh.. haay nako!! puro humor lang ung nakita sa movie at hindi ung gustong sabihin nung movie sa atin.. panoorin niyo at cgurado magugustuhan nio.. hehehe...

and now, i've watched Batman Begins.. haha.. daming catch, can't enumerate.. hahaha.. ganda rin nung movie n un.. i don't know what's in my itinerary for this week pero sure may gagawin pa rin ako.. hahahaha... haay... baka matagal na ulit next entry so intay-intay lang.. hahaha.. cge, gudluck nalang sa course card day!!=D





Currently listening to: everything's right
Twenty Three Places
By Matt Wertz





jeremyone flew to freedom at 10:13 pm
Make a comment

Jul 25, 2006

[
extended weekend!!
]


sabi ko nung linggo ng gabi "titigil pa ba itong ulan?" alam ko naman talaga na meron bagyo pero ang di ko lang alam ehh kung nasa pilipinas pa!! cge, tuloy lang sa pagrerebyu ng litera. natapos ko na rin ang aking critique paper para din sa klase na iyon. yey, sarap nang matulog kasi ang lamig ng simoy ng hangin. para sa huling update sa balita, nagpunta ako sa site ng www.inq7.net upang tignan kung merong sinabing walang pasok para bukas. kakatapos ko lang magrebyu nun sa litera at pagkatingin ko nga, yahoo!! wala ngang pasok sa metro manila at all levels!! hinintay ko ung mail mula sa school at maya maya, hayan na siya!! yahoo!! confirm ng walang pasok.

pagkagising ko nung lunes ng umaga, wala pa rin hinto ang pagpatak ng ulan at habang patagal ng patagal ehh lumalakas ito. wow!! (hula ko, wala na naman pasok kinabukasan..) wala akong ginawa nung lunes kundi tumambay sa harap ng kompyuter at matulog!! zzzz........ sarap matulog sa tanghali kasi ndi ko na kailangan buksan ung elektrik fan para mahangin, binuksan ko nalang ang aming bintana para mahangin na!! malamig pa!! (bonus!!) nung kinagabihan na ehh nag-abang ulit ako kung walang pasok kinabukasan, wala pang announcement. nanood muna ako ng my girl. sa wakas!! wala na akong kaagaw sa tv dahil solo ko na ung tv sa kwarto ni mama!! yahoo!! (FYI: kaaalis lang ni mama nung araw na iyon para maglagalag papunta sa kanyang kasiyahan..) haay.. natapos na ang paborito kong palabas sa channel 2. bumalik ako ng aking kompyuter upang muling tignan kung walang pasok. badtrip!! ndi ako makapunta ng inq7.net at buti nalang meron ilang onlyn na kaklase ko. tinanong ko kay axis kung meron pasok at pinakita nya sa kin ung site ng abs-cbn. yahoo!!! wala na naman pasok!! 2 araw ng suspendido ang mga klase. binasa ko muna si etsa puwera para pampatulog. at sa ilang sandali pa ay dinalaw na ako ng antok.... zzzzz..............

pagkagising ko ngayong umaga ay deretso ako ng kompyuter. teka pala, nagising ako nung bandang 5 kaninang umaga upang hinaan ung fan namin. ang lamig na kasi eh. nakatutok pa sa paa ko at timing na timing na gigisingin na ni tito ang aming bunsong kapatid at sinabi ko sa kanya na walang pasok. aba!! hindi naniwala sa akin kagabi na wala talagang pasok ngayong araw!! bumalik na ulit ako ng aking higaan para ituloy ang aking naantalang pagtulog. ngayong araw eh hindi ko pa alam kung anung gagawin ko pero magrerebyu ulit ako ng litera kung sakaling magkaroon na ng pasok kinabukasan..


GOOD LUCK SA ATING LAHAT!! sana ehh magawa niyo ang mga dapat niyong gawin.. GOODBYE BAGYONG GLENDA!!....


Currently watching:
High School Musical






jeremyone flew to freedom at 01:06 pm
Comment (1)

Jul 20, 2006

[
PENCILS
]


 

5 important lessons to learn from a humble pencil.


1. It tells you that everything you do will always leave a Mark
2. You can always correct the mistake you make
3. The important thing in life is what you are from inside and not from out side
4. In life you will undergo painful sharpenings which will make you better in whatever you do
5. Finally, to be the best you can be, you must allow yourself to be held and guided by the hand that holds you




jeremyone flew to freedom at 12:23 pm
Make a comment

Jul 16, 2006

[
weekend escapade!!=D
]


grabeng paguran ang nangyari sa amin nung weekend..  nagpunta kami ng BATANGAS!! pero hindi kasama si coy.. may pasok siya nung sabado pero nakapunta naman siya nung nakaraang linggo sa patas lang..=P bumabalik sa aking alaala kung kailan kami huling nagpunta.. nung huling punta namin dun ehh ung  may sars pa sa hongkong kaya hindi kami makapunta dun at sa batangas na lang kami nagpunta.. nakakalungkot lang dahil wala na ngayon sa lolo ko..=( sana ay maging mapayapa ka na kung saan ka man naroon..

0430 nung sabado ako ginising ni mama pero 5 na ako tumayo ng kama.. hindi kasi ako makatulog nung sabado.. mga 1230 na nung sabado nang umaga ako nakatulog at mukhang hindi talaga ako nakatulog.. haaay... very saddening moment talaga un.. natapos kaming lahat mag-ayos ng mga 6 at 0615 na kami nakaalis ng bahay.. (tandaan niyo yang oras na yan at cocomputin natin kung gaano katagal ang buong biyahe mula sa aming bahay papuntang probinsya namin..) mga 7 kami nakarating ng terminal ng bus sa cubao.. 0715 umalis ang bus namin at nakarating kami sa balagtas (basta balagtas ung tawag dun sa bababaan namin) mga 0930.. hoy marco at alvin!!! hindi kayo nakakaistorbo ng tulog ha!! sinusubukan ko ngang matulog ehh sunud-sunod naman ang mga texts niyo.. hindi na tuloy ako nakatulog dahil nawala na ung antok ko!! grabe!! ngayon lang sa akin nangyari ang bagay na ito.. hindi na ako makalakad sa sobrang pagpipigil ng ihi.. konting-konti na lang tlaga ehh lalabas na pero buti na lang at may cr sa simbahan.. may kinakasal pa sa simbahan.. (pinagkamalan ba naman kaming bisita sa ikinakasal.. ung mga suot ba namin ehh mukhang aatend ng kasal??) nsa simbahan kami ng 10.. pagkatapos ehh sumakay na kami ulit ng jeep papunta na talaga sa bayan ng malabrigo.. 1 oras ang itinagal ng byahe at pagdating dun ehh 30 mins na byahe ng tricycle.. sa wakas!! nakarating din!! so 1130 kami nakarating sa bahay namin sa probinsya.. mas matagal pa ang byahe kung pumunta ka ng hongkong..

hapon na nung kami ay namasyal sa parola.. super habang lakaran pero ayus lang, masaya naman at maraming kwentuhan nang nakaraan ang nangyari.. may nakilala pa kong bagong pinsan na ngayon ko lang nakita.. wow!! schoolmate pero sa dasma sya pumapasok.. "ANIMO LASALLE!!" parehas kaming lasalista pero mas matanda lang ako ng isang taon sa kanya.. pagdating naman sa parola, nagkuhanan kami ng litrato at nagbonding kami habang nagpipicnic.. sina tito pwde nang magreunion, kumpleto sa listahan ng mga kaklase sa kanilang mga utak.. (kawawang mga kaklase, sinasamid na cguro sila o dumudugo na ang kanilang mga dila habang sila ay inaalala nina tito at ng kanyang isa pang kaklase).. pabalik ng aming bahay, kami ay dumaan sa aplaya at ang lakas ng mga alon.. sarap maglakad sa buhangin.. kala ko walang liguan sa dagat kaya hindi na ko nagdala ng extra short, di rin nakatiis, kahit sandali lang ehh nakaligo pa rin ako.. presko!! sobrang init talaga dun..

gabi na nung matapos kaming maligo at isa-isa nang nagdaratingan ang mga tao sa bahay para tumambay o makisugal.. hahaha.. opo!! makisugal!! haha.. pati ako ay hindi na nagpaawat.. kami nina tita at nang kapatid ko ay naglaro ng tong-its.. nang-aasar pa sila nung una dahil lagi raw akong talo, mabawian nga!!.. hahaha.. tuloy, nung nag-ayawan na dahil nagbrownout ako pa ang nanalo!!.. yan, kasi ang lalakas manglait.. tsktsk.. kala ko pa naman pupunta si bagong kilalang pinsan, kaya akala ko "walaaaaaaaaaaaaaaang tulugaaaaaaaaaaan!!".. napilitan na rin akong matulog dahil wala na akong kalaro at kapustahan at hindi na rin dumating si insan.. zzzzzzzzzzzz..................(tuloy pa rin ang pagsusugal ng mga tao)

grabe!! 24 oras na mahjong!! yan talaga ang walang tulugan.. sinaway pa nga ako ni tita dahil 36 oras na raw silang naglalaro!! ha?? 36 oras na mahjong!!! buti at hindi umusok ang kanilang mga puwet at naglihab!! hahaha.... joke lang.. syempre naman meron naghahalinhinan... maaga akong nagising dahil na rin hind ako masyadong makatulog.. umiyak pa si simo!! haha.. buti na lang at hindi nagising sina mama at papa at sharmaine.. naglakad ako papuntang aplaya para makalanghap ng sariwang hangin.. nagsulat pa ko sa buhangin "Jeje =D :-*" at "BS MTH-CAP 3RD" hahaha.. sinulat ko ung unang pumasok sa isip ko at yan iyon.. ang ganda nang dagat.. kahit anong isigaw mo dito ehh hindi iyan sasagot sa iyo, makikinig lang yan at kakausapin ka sa pamamagitan ng mga alon.. haaaay... i will miss the sea.. paalam na.. bumalik na ako sa aming bahay para mag-ayos at aalis na ulit kami.. katanghaliang tapat, kami ay nagsimula na ulit maglakbay...

nalulungkot ako kay lola dahil wala na si lolo.. wala na siyang kasama sa buhay dahil ang mga anak nila ay may sari-sarili ng buhay kaya ngayon ehh mag-isa na lang siya.. gusto ko ngang gisingin si lolo kasi parang natutulog lang talaga siya.. hanga ako sa mga tricycle.. biruin mo, apat kaming sakay ehh nakakaya niyang umakyat ng matarik at lubak lubak na daan ng wala man tulak.. grabe!! ang lalakas talaga nung mga tricycle.. ung mga dyip naman, kahit jampack na ung dyip at kaliwa't kanang may nakaupo sa tabi nung drayber ay kayang kaya pa rin magmabilis nung dyip at nung drayber.. kakapagod talaga ang weekend na ito kahit ngayong linggo ehh puro tulog ang inatupag ko.. nakaka alwan talaga nang pakiramdam pag nasa probinsya ka.. bukod sa nakakapagsaya ka nang walang inaalalang problema, malinis pa ang hangin at ang sarap maligo sa dagat.. sana ehh makabalik agad ako dun at mamimiss ko ang aming bahay sa probinsya.. yan na ang kwento ng "weekend escapade" ko ngayong linggong ito..=D 


 




Currently listening to: sabihin mo na
Carry On... - Philippine Tagalog Music CD






jeremyone flew to freedom at 09:32 pm
Make a comment

Jul 14, 2006

[
what belongs to you is yours..
]


it's yours.. u can do what you want.. you dont have to ask someone for that...



jeremyone flew to freedom at 11:09 pm
Comments (2)

Jul 12, 2006

[
RELATIONSHIP SECRETS
]


ANNIVERSARIES
Always celebrate! Whether it's the 1st or the 50th, each year together is
a triumph.

APPRECIATION
Let each other know how much you appreciate each other.
You may already know but hearing it from each other is always better.

BEST FRIENDS
Be best friends preferably before being boyfriend-girlfriend.
Take time to know each other so the relationship will be a deep one.
Tell each other about your crushes, dreams and problems.
Make sure he/she is your best friend before getting engaged.
The strong bond of friendship will help you both survive tough times.

BOND
Make it a point to spend time together often but leave room for each other. Also spend time alone w/ each other, so that at the end of the day you could both share your experiences. This way, you stay interesting with your partner.

CHANGING EACH OTHER
Don't marry an as...le, j.... or a bi.... (an unsuitable person) You'll never change each other.

COMPLIMENTS
Always compliment each other.
This will prevent feelings of resentment & thinking that one is being taken for granted.

DATE
Keep doings things that you both enjoy, do them together.
Make time & continue to date to keep the romance - look good, smell good to maintain physical attraction

DIFFERENCES
Celebrate differences. Never force your ideologies down each other's throat. Give up trying to turn your partner into you. Accept differences, appreciate them.

FIGHTS
Fight w/the aim to resolve the issue. Don't outdo each other.
The longer you extend the fight. The more chances that you'll say something hurtful that you don't really mean. As mad as you were w/ your partner, he/she is still the person who laughs at your jokes & thinks you're hot.
Hear each other out, don't dig up old issues. Choose your battles.
Make sure the fight will be worth it & that something will change in the relationship as a result of the fight.

FLAWS
Know that the perfect person does not exist.
Know that just as there are things that you love about him/her, there will be things that will make you go crazy. We are only human with our own flaws.

FUN
Have fun together! This means keeping the fun & spontaneity that was there in the early days.
Allow yourselves to get silly - shower together, pee w/the door open etc. Being able to make each other laugh & see the lighter, crazier, absurd side is the best way to get through all the differences in personalities, adjustments in lifestyle & opposing viewpoints.

GOALS
Make sure you have similar goals.
It would be difficult to keep your bond intact if your views are complete opposite.

GRUDGES
Quit tabulating grudges. Let it off. Discuss it, then trash it, don't recycle it.

KEEPING IT HOT
Keep it hot by traveling to diff. places together.
A new setting will do wonders. Always have skin contact - be it holding hands, a massage or just plain leg rubbing.

HONESTY
Don't lie or hide things. The problem will only get bigger.

KNOW EACH OTHER
Learn each other's interest. It really keeps the conversation flowing!

HUG
A hug can be far better more intimate than a kiss.

IDENTITY
Don't lose your personality - that's why he/she fell in love w/you.
Have separate interest & activities to keep your individual, & to be able to contribute more to the relationship.

INDEPENDENCE
Having your own income means you're the boss in your life.

IN-LAWS
Make rooms for the in-laws.

INTENTIONS
Wish each other well. Don't wish each other worst

ISSUES
Speak up about the awkward stuff now,like money & sex. The earlier, the better.

LISTEN
Listen, listen, listen. Hear each other out especially during arguments.

LOOK GOOD
Mind your appearance! Stay fit & healthy for each other.

LOVE
It all boils down to your love, chemistry & respect for each other.

MEMORIES
Remind each other of the old days. Do something that you used to do for each other before.
It may even be corny but it made you two together.
Experience new things together- from dining into a new restaurant to experiencing street food together to exploring to new places. It's the little surprises that make great memories.

MIND READING
No matter how long you've been together, do not think that you can read each other's mind.

NEEDS
Be good to yourself,then be good to your partner.
That's what love is all about. Think about your partner. Will it make him/her happy?
Will she/he enjoy it? Consider each other's feelings.
Be very attentive & sensitive to each other's needs, physically & emotionally, that way your partner learns to do the same for you.
Never take your partner for granted.

PRIORITIES
If one says it's important, then it is! Prioritize each other among other things!

SPACE

Give each other space. Have dates with your girlfriends, have your boy's night out.
If you can't trust each other with this, then don't get married.

SORRY
Say sorry when you're wrong.

SURPRISES
No matter how long you've known each other, be open to surprises, both good or bad.

TEAMWORK
Think for two & always work as a team.
Consult each other before making a decision because everything will always affect both of you.
Strengthen couple power.
In many ways, we have to decide based on what is best for the relationship in favor of our individual selves.

SUPPORT
Support each other's dream. Be willing to follow your passions,
support your partner in his/her decisions & create new ones together.
Two heads are better than one.

TALK
Tell each other's stories. Life goes by so fast & its easy to see how easily couple can grow apart.
Whenever something funny, scary, exciting or juicy happened to you or to someone you know, tell each other about it & have your partner do the same. Keep each other in the loop of life, even by email if you have to.

Communication is the main ingredient in successful long relationships.
Share your feelings w/o judgments or criticism, active listening,
then working up to a discussion for problem solving. It takes continuous effort & learning.

source:
http://groups.yahoo.com/group/heartgraphs



jeremyone flew to freedom at 11:23 pm
Comment (1)
[
wet wet day!!
]


as usual, wednesday at maaga n nmn dapat gumcng.. ngcng ako mga 0440 at naramdaman kong parang malamig.. (am i feeling sick or what?? feeling ko talaga n magkakasakit ako..) anyway, tumingin ako sa bintana ng aking kwarto at napansin kong basa ang bubungan namin.. wow umulan!! kaya pala malamig.. ako palang ang gising sa amin at pagkatapos kong maligo, dun na!! dun na nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan.. sarap tuloy mag jacket..=D paglabas ko ng aming munting tahanan, biglang humina ang ulan, ambon na lang ang meron.. mukhang nakisama sa akin ang panahon.. habang ako'y naglalakad, sa di na namanna naman kasi nung lunes din ehh nasalubong nmin siya habang kaming dalawang magkapatid ay papasok sa aming eskwelahan..

buti n lang tlga, pinapasok muna ako ng aming skul bago bumuhos ulit ang malakas na ulan at this time, ndi na ito tumigil.. tambay ako ng conserve para magbasa ng mga handouts sa engltri.. wala rin nangyari sa mga binasa ko.. haaaay... feeling ko ehh mababa na naman ako sa aming pagsusulit kanina.. tsktsk.. nanganganib talaga ako sa asignatura na iyon.. pero b4 engltri, wow!! c sir ehh nagsample ng kanyang awitin sa amin.. ok naman ang kanyang boses at talagang mgaling siyang kumanta.. pang philippine idol talaga!! go sir!!! wooohooo....=P (purple sticker for you mr juan=D) wahahaha.. sayang at ndi na madagdagan ang ang purple stickers..

uwian na at hindi na ako kumain sa aming skul.. bigla n lng may sumigaw sa sps connon hall "wag na kayong magsalang!! suspended ang klase!!" wow!! kami nmn, nagulat sa kanya at nagtataka kung suspended nga.. umuwi na agad ako at pagtingin ko nga sa south gate, nakapaskil dun "classes are suspended 1140 onwards".. nyek!! wala rin, parang ndi na-suspend ung klase nmin kasi maaga ang uwian namin pero ok lang.. para na rin sa kapakanan ng ibang estudyante un..

pagdating ko ng bahay namin, "ang sarap matulog!!" ang lamig na kama ko paghiga ko at parang humihiga ako sa yelo sa lamig.. kumain ako at naisipang magpahinga lang bago magrebyu sa despatt.. unti-unting pumikit ang mga mata ko at tuluyan na nga akong nakatulog sa aking mala-yelong higaan.. hahaha=D ngcng ako ng mga 1530 ng hapon at deretsong rebyu na agad.. hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan sa labas ng aming tahanan.. natapos ko ang aking pagrerebyu ng mga 2100 ng gabi.. hahahaha=D (wag niyo nang tanungin kung bakit matagal ako nagrebyu, kasama na kasi dyan ang breaks, merienda, nood tv, computer at etc.. )

nagdilang anghel ata ako ngaun  ha!! sabi ko kc kay cris na siguradong walang pasok bukas.. hahaha=P kung nagpustahan tayo, laki na siguro ng kita ko.. pagkatapos na pagkatapos kong magrebyu, nagtext sa akin si jeje na wala raw pasok bukas.. yahooooo!!! medyo makakapagpahinga muna ako... hindi rin maagang ggcng bukas.. at un na ang nangyari sa araw na ito.. yahooo!!! panalo pala purefoods.. 3-1 na!! la lang=P


o ayan!! eto na ang aking unang artikulo para sa blog na ito.. sana ehh sa mga susunod na araw ay sipagin pa ulit ako ng ganito...=P


inaasahang pagkakataon, nasalubong ko ulit si tito michael.. yes!! libreng pamasahe hanggang taft at hindi ako mababasa masyado!!..



jeremyone flew to freedom at 10:48 pm
Comment (1)